“Practicing good sleep hygiene will help you reap the benefits of a healthy 7-8 hours of sleep each night.”
Ayon sa mga eksperto ang tamang haba ng oras sa pagtulog ay 7 hanggang 9 na oras kada gabi lamang. Ngunit paano kung sumobra ang pagtulog mo sa rekomendasyong ito? Magiging problema nga ba ito? Maraming pahayag na ang nagsasabing ang oversleeping o sobrang pagtulog ay maaaring magdulot ng diabetes, sakit sa puso at maaring ikamatay ng isang indibidwal.
Ang haba ng pagtulog ng isang tao ay di pende sa edad at activities na isinasagawa sa araw araw. Kung ikaw ay mayroong sakit o karamdaman ay kinakailangan ang mahabang pahinga at tulog. Ngunit kahit pa maaaring mag iba ang sistema ng tao sa oras ay nirerekomenda parin ang pagtulog ng mga adults sa 7-9 na oras lamang. Hindi lahat ng oversleepers ay mayroong sleeping disorders. Ang pag-inom ng alak at prescripted medication ay maaaring makaapekto sa pagtulog. Ang depresyon ay maaari ring magdulot ng pag sobra sa tulog at mayroon din namang mga tao na gusto talaga at mahilig lang matulog o tinatawag na “heavy sleepers”.
Note: Oversleeping can often lead to a serious medical conditions.
Mga Problemang sa Kalusugan na Maaaring Maidulot ng OVERSLEEPING HABIT
DIABETES – isa sa mga maaaring maging resulta sa pagtulog ng mahaba gabi-gabi.
OBESITY – ang pagtulog ng sobra at kulang ay maaring magdulot ng pagtaas ng timbang. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga indibidwal na nagtutulog ng 9 hanggang 10 oras gabi-gabi ay maaaring maging obese sa loob ng anim na taon kumpara sa mga natutulog ng 7 hanggang 9 oras.
HEADACHES – ang pagtutulog ng sobra tuwing bakasyon o weekend ay maaaring magdulot ng pagsakit ng ulo.
BACKPAIN – mainam na mag ehersisyo sa regular na panahon kung ikaw ay nakakaramdam ng pananakit ng katawan. Ang sobrang pagkahiga sa mahabang oras lalo na’t walang ehersisyo at activities sa araw-araw ay maaaring makaapekto sa pananakit ng mga iba’t ibang bahagi ng pangangatawan.
DEPRESSION – ang “insomnia” o ang hindi makatulog ay isang bagay na maaaring dahilan ng depresyon ngunit ayon sa pananaliksik, 15% ng populasyon ng taong may depression ay ang mga indibidwal na may sobrang pagtutulog.
HEART DISEASES – ayon sa pag-aaral, ang mga kababaihan na natutulog sa loob ng 9 hanggang 11 oras ay ang mas mataas ang tsansang makaranas ng coronary heart diseases kumapara sa mga taong natutulog ng normal na oras.
Ayon sa mga eksperto, nirerekomenda ang pagtulog sa parehong oras ng pagtulog at paggising sa araw araw. Iwasan ang pagkonsumo ng caffeine at alcohol sa nalalapit na oras ng pahinga. Ang regular na pag eehersisyo at pagpapanatiling malinis at kumportable ng kwarto ay makakatulong upang makuha ang tama at normal na haba ng tulog na dapat lamang makonsumo.