General

Paano Alagaan ang Balat Ngayong Taglamig

Paano Alagaan ang Balat Ngayong Taglamig

Nararapat lamang na alagaan ang ating balat dahil ito ay isa sa napapansin ng mga tao lalong lalo na kung ikaw ay isang dalaga o binata. Kung kaya’t ngayong taglamig, malaking problema ang panunuyo ng balat.

Kung kaya’t ang tanong ay paano alagaan ang balat ngayong taglamig? Narito ang ilang panuntunan:

 

  • Pwede tayong gumamit ng moisturizing cream para sa dry skin ng sagano’y maibalik ang moisture na nawala dahil sa malamig na panahon.
  • Huwag maliligo na sobrang init ng tubig. Dapat ay tamang-tama lang ang temperatura nito dahil ang sobrang init ng tubig ay nakakabawas ng moisture sa ating balat. Bago lumabas ng banyo ay palamigin muna ang tubig sa shower dahil sa ganitong paraan ay mapapanatili ang moisture sa skin.
  • Pagkatapos maligo ay magpahid ng lotion sa hita, braso, paa at tuhod.
  • Bago matulog, gumamit ng eye cream para malabanan ang panunuyo ng ilalim ng mata. Kung ito ay ating gagawin gabi-gabi, mapapansin nating mas mangongonti ang linya at wrinkles sa paligid ng mata. Lagi tayong matulog ng  maaga dahil ang pagpupuyat ay magbibigay ng stress sa atin at tiyak na nakapagpapangit ng ating balat.

 

Homemade Body Scrub

Kapag ang inyong mga kamay, siko at talampakan o paa ay nagiging dry na, maraming homemade na body scrub na makapagbibigay buhay muli sa mga parteng ito ng inyong katawan. Di muna kailangan pang bumili ng pagkamal mahal na pang iskrub. Kumuha ng limang pirasong kalamansi at asukal na brown. Sa mga parte na nanunuyo, ipahid ang kalamansi sa asukal at ikuskos ito  sa mga nanunuyong parte ng inyong balat. Ipahid ng pabilog at banlawan. Nakatipid ka na, tiyak pa na lalong kikinis at gaganda ang iyong kutis.

 

Pagbibitak ng Labi

Marami sa atin, babae man o lalake ay nakararanas ng pagbibitak ng labi sa panahon ng taglagas at taglamig. Iwasang basain ang inyong labi at gumamit ng moisturizing lipstick sa araw at maglagay ng lip balm bago matulog sa gabi. Para sa mga nais makatipid, meron tayong honey at baselina na talagang epektibo. Lagyan ng honey at Vaseline ang labi ng 15-20 minuto. Gumamit ng isang mamasa-masang tela upang alisin ang mga natitirang vaseline at honey. Ulitin ang lunas sa bawat araw para maging mas epektibo sa loob ng isang linggo. Tiyak na magiging malambot at kissable ang iyong labi.

image credit: www.fedhealth.co.za

To Top