Kailangan bang bago ang mga kagamitan sa eskwela tuwing pasukan? Kinakailangan nga bang bumili ng bagong bag taon taon para sa mga anak? Pati na ang mga school supplies? Narito ang iba’t ibang paraan upang maaari pang maging useful ang mga kinalumaan na kagamitan sa eskwela at maging matipid ang gastos para sa pasukan ng inyong mga chikitings!
Hanggat maaari, iwasan ang bumili ng bumili ng mga kagamitan sa eskwela kung maaari pang gamitin ang mga pinaglumaan.
#1. Ipunin lahat ng gamit sa school at ilagay sa isang kahon sa pagtatapos ng school year, LAHAT! Kasama na ang bag, lapis at iba pang panulat, papers, notebooks, books, mga art crafts at projects, eraser, crayons, markers, glue at gunting.
#2. At sa pagbubukas muli ng pasukan ng mga bata, buksan muli ang kahon at sabayan ang mga anak sa pagtatapon ng mga kagamitan maaaring hindi na magamit sa sunod na pasukan at itabi ang maaari pang magamit.
Kung mayroon pang mga natirang blank papers at malinis pa, ito ay pagsama samahin. Ang mga kwaderno tulad ng stringed notebooks ay maari muling magamit, punitin na lamang ang napagsulatan na. Ang mga libro ay maari pang itabi, ung hindi naman ay ipamigay na lamang sa mga nangangailangan. Itapon ang mga nagamit na bago pa maipon at maging dagdag sa mga basura.
Kung ang mga markers at glue ay hindi naman nagamit masyado at hindi ito natuyo, ay iwasan na lamang bumili ng bago. Ito ay maari pang gamitin.
Ang mga krayola at panulat tulad na lamang ng lapis at ballpen ay maaari pang gamitin muli, iwasan ang pagbili ng bago kada taon dahil ito ay maiipon lamang at mas lalong hindi magagamit.
Ang mga gunting at cutters ay maaring i-dispose kung ito ay mapurol na.
Ang mga bag ay maaaring magamit ng mahabang panahon kung bibigyang ingat ang mga ito.
Upang maging epektibo ang mga ito, iwasan bumili ng mga sirain at hindi matitibay na gamit. Bigyan ng budget ang mga ito ay bumili ng mga pang matagalan at matitibay na supplies. Hindi nararapat na mag aksaya ng mga kagamitan sa eskwela, kung maaari pa itong magamit ay itabi ng maayos upang maging bago pa ang anyo nito. Bigyang halaga at ingatan ang mg ito. Ang mga kagamitang ito ay maaring i-donate na lamang sa mga kabataang walang kakayahang makabili kaysa itapon. Turuan at hikayatin natin ang mga kabataan na maging maingat sa mga kagamitan at kung paano ang proseso ng recycling at reusing.
You must be logged in to post a comment.