MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Twitter account, nagpa-survey si Sen. Manny Pacquiao kung sino ang dapat niyang susunod na kalaban.
Kahapon ng alas-5:30 ay nasa 38,688 na ang bumoto sa kanyang survey.
Kabilang sa mga pangalang inilutang ni Pacquiao ay sina Floyd Mayweather, Keith Thurman, Danny Garcia at Shawn Porter.
“Who should I fight next?” tanong ni Pacquiao sa kanyang tweet.
Hindi naman makikita sa post ng senador kung sino ang nangunguna sa mga binanggit niyang pangalan.
Matatandaan na ilang beses na ring pinayuhan ng mga kaibigang senador si Pacquiao na ikonsidera ang pagreretiro habang nananalo pa siya o pinapalakpakan ng kanyang mga fans.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/24/1904044/pacquiao-nagpa-survey-kung-sino-ang-susunod-na-lalabanan#Tk1e7i32yRMaYJs8.99