disaster

Pag-alala sa mga namatay sa Great East Japan Earthquake idinaos sa Iwate Prefecture

10 taon na ang nakalilipas matapos ang Great East Japan Earthquake, isang seremonyas ng pag-alala ang idinaos sa Otsuchi Town, Iwate Prefecture sa lugar ng dating government office building kung saan may mga staff na namatay dulot ng tsunami. Umabot sa 28 katao ang namatay sa Otsuchi Town Hall, kasama na ang Mayor at iba pa nang mga panahon na yun, nasa 1272 katao naman ang kabuuan ng nawawala at namatay sa buong bayan. Ang mga nagluluksang pamilya ng mga town hall staff ay dumalo sa nasabing memorial service, sa pangunguna ni Mayor Kozo Hirano.

Pahayag ng Mayor Kozo Hirano: ” malakas ang paniniwala kong sa pamamagitan ng pag-alalang ito para sa mga pumanaw sa nasabing trahedya ay isang paraan upang patatagin ang kalooban ng mga indibidwal na lubhang naapektuhan sa bayang ito ng Otsuchi.”

Source: ANN NEWS

To Top