General

Pagbabakuna uumpisahan na sa susunod na linggo!

Nakaiskedyul ng umpisahan ang pagbabakuna sa mga healthcare professionals sa susunod na linggo, ngunit sapat po ba ito? Kailangan pa ba ng reserbasyon? Ano ang mga posibleng side effects nito? Ito ang ilan sa mga katanungan ng karamihan sa mamamayan. Kahapon, ika-11 ng Pebrero, ay nasa 434 katao ang naitalang bagong kaso ng mga nahawahan sa Tokyo lamang. Samantala nasa 103 pa rin ang malala, Habang pinananatili ang estado ng emerhensiya, ang isa sa mga inaalala ay ang pagbabakuna, na uumpisahan na. Inaasahan na aaprubahan na ang Pfizer vaccines sa susunod na linggo.

Ayon sa Minister of Health, Labor and Welfare na si Mr. Tamura: ” Nais kong maaprubahan na agad-agad ang mga bakuna upang maisagawa na ang vaccination systems ng maaga.” Gagamit din ang gobyerno ng indibidwal na pagbabakuna maliban sa mass vaccination, ang pagkaantala at kakulangan sa supply ng mga bakuna ay pinangangambahan. Samantala nais namang baguhin sa Nerima ward ang sistema at ipaubaya ang “isang sistema na kung saan ay bibigyan ng pahintulot na makapagbigay ng bakuna ang isang Family doctor” at ang Nerima ward ang magiging halimbawa sa buong bansang Japan. Ngunit ang pinakamalaking pagsubok dito ay ang siguraduhing sasapat ang supply ng mga bakuna para dito.Samantala sa estados unidos, kung saan nasa 10% na ng kabuuang populasyon ang nakakatanggap ng bakuna, may mga delay sa vaccine supply at medyo pahirapan ang pagkuha ng reservation slots para sa mga supply. Kahit sa European Union (EU), sa karagdagan, kahi na ang bakunang gawa ng Astrazeneca ay isa sa mga planong gamitin sa Japan, Kinumpirma ng WHO (World Health Organization) ang kaligtasan at immune response at ang bakunang nirekomenda nila para sa mga matatanda ngunit nitong nakaraan nakumpirma ang isang mutant virus mula sa South Africa. Dahil dito may posibilidad na maantala ang pagbabakuna . Magawa kaya ang mga plano sa pagbabakuna ng ayon sa oras pati na rin ang sapat na supply?

 

https://youtu.be/Oe_l-6MWZVU

Source: ANN NEWS

To Top