Business

Pagbebenta ng NFA rice hanggang Agosto na lang: DA

Tuloy hanggang sa Agosto 2019 ang pagbebenta ng murang bigas ng National Food Authority (NFA), ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos ikasa ang implementing rules and regulations (IRR) ng rice tariffication law, na maglilimita sa papel ng NFA bilang tagakuha ng buffer stock ng bigas para sa mga kalamidad.

Pero nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol na magbebenta pa raw ang NFA ng bigas galing sa mga lokal na magsasaka mula Setyembre, pero hindi pa rin daw malinaw ang magiging presyuhan nito sa merkado.

“‘Yung aming computation (ng bagong bigas) ay ibabase namin sa aming procurement price,” ani Piñol.

Ayon kay NFA officer-in-charge Tomas Escarez, hindi pa malinaw kung saan ibebenta ang nasabing bigas pero aniya hindi imo-monitor ng ahensiya ang mga retailer kung sakali.

Kaakibat din ng pagkasa ng IRR ang pagtanggal ng nasa 400 na empleyado sa pagpalit ng papel ng NFA. Ani Piñol, maaaring ilipat sa Bureau of Plant Industry (BPI) at DA ang ilang apektadong empleyado.

“You have to understand ‘yung food and safety function ay bago sa BPI, so we will have to ask some NFA employees na lumipat muna sa BPI,” ani Piñol.

Ayon kay Piñol, pipirmahan pa ng National Economic and Development Authority at Department of Budget and Management
ang IRR.

Inaasahan na mapirmahan ito sa susunod na linggo.

Source:ABS-CBN

read more click link below:

https://news.abs-cbn.com/business/03/06/19/pagbebenta-ng-nfa-rice-hanggang-agosto-na-lang-da

Pagbebenta ng NFA rice hanggang Agosto na lang: DA
To Top