Paghuhugas ng kamay mas epektibong pangontra sa corona virus ayon sa CDC
Paano nga ba makakaiwas na mahawahan ng virus?
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Maghugas ng kamay sa loob ng 20 segundo o mas matagal pa. Maghugas bago kumain, o pagkatapos suminga, o kapag bumahing at naubo kung maaari.
- Siguraduhing mahuhugasan ang mga hinlalaki, pulso, sa pagitan ng mga daliri at iba pang parte ng kamay na madalas makaligtaan sa paghuhugas.
- Kung walang sabon at tubig , gumamit ng alcohol-based hand sanitizer na may 60% alcohol pataas.
- Iwasang humawak sa mata, ilong, bunganga o mukha.
- Iwasang lumapit sa mga taong may sakit, o pinapakitang sintomas ng virus.
- Manatili sa bahay kung hindi maganda ang pakiramdam.
- Kung nauubo o nababahing, takpan ang bunganga o ilong gamit ang tissue at saka itapon sa basurahan ito at magdisinfect ng mga kamay.
- Hugasan at idis-infect ang mga bagay at lugar na madalas gamitin gamit ang isang regualr na household cleaning agents o sa pamamagitan ng alcohol wipes.
Importanteng alalahanin na ang coronavirus ay tumatagal sa paligid o mga gamit ng ilang araw o linggo lalo na sa mga lugar na sakto ang temperatura at humidity para magsurvive ito. Ang virus, COVID-19 ay pangunahing naikakalat ng taong apektado.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring nadidiskubreng bakuna kontra corona virus, at wala pa ring gamot na naappubrahan para magbigay lunas rito.
Kailangan ba talaga nating magsuot ng facemask?
Ang sagot ay depende. N95 ang in-demand dahil ito lamang ang kayang magfilter ng may 95% airborne particle, ayon sa U.S. Center for Disease Control and Prevention. Ngunit ayon sa kanila, ang mga taong positibo lamang sa coronavirus ang higit na nangangailangang gumamit nito upang maiwasang maikalat ang virus sa iba at makahawa. Nirerekomenda rin ang pagsusuot ng mask sa mga health workers o iba pang nag-aalaga ng pasyenteng positibo rito.
Hindi umano nirerekomenda ng CDC na magmask ang mga taong negatibo sa virus ngunit upang makasiguro, mas mainam na ring gumamit nito para sa pansariling kaligtasan.
Source: MiamicsGlobal