General

Pagkabilanggo para sa pagtanggi sa pagpapa-ospital ng mga positibo sa Covid, planong baguhin

Nagsimula ang mga diskusyon para sa mga planong pagbabago sa mga naunang napagpasyahan patungkol sa new Corona Special Measures Law at Infectious Diseases Law, ang mga partido ng  namumuno at oposisyon ay pinagusapan ang planong tanggalin na ang desisyong makukulong ang sinumang tumanggi sa pagpapa-ospital kapag napatunayan na sila ay positibo sa covid. Sa amendment talks na nagumpisa noong ika-26 ng buwang ito, ang oposisyon ay nagsasaing ang pagkabilanggong parusa para sa sinumang tatanggi sa pagpapaospital ay masyadong pinakamabigat sa lahat ng parusa na kabilang sa nasabing bill sa Infectious Diseases Control Law. Dahil rito, tumugon ang mga nasa posisyon na ikokonsidera nila ang pagtatanggal rito, ngunit kinakailangan muna ang desisyon ng mga parliamentary groups ukol dito. Maingat namang ipinahayag rin ng LDP executives na ang ibang infectious disease laws ay mayroon namang nakabilang na parusang pagkabilanggo. Ang kinakailangang hakbang ay ang alisin ang coronavirus hindi ang parusa. Dagdag pa rito, nais din nilang magkaroon ng pagbabago sa Special Measures Law,  ang policy na ikonsidera ang pagbabawas ng penaly sa mga negosyong tatangging makipagcooperate sa mga order na paiksihin ang oras ng operation hours. Ang gobyerno at ang ruling party ay nagpaplano pa ng kasunod na revision talk bukas ika-27 ng Enero upang maisaayos ang agreement at mafinalize na sa unang linggo sa susunod na buwan.

Source: ANN NEWS

To Top