Sa isang hospital sa Tokai city, Aichi, isang 50-year-old patient ang natanggalan ng two-thirds ng kanyang tiyan pagkatapos magkaroon ng pagkakamali sa medical diagnosis. Ang pasyente ay may ulcer lamang at na miss-diagnosed ito bilang stomach cancer.
Pagkatapos ng surgery, isinagawa ang histopathological examination kung saan nadiskubre nila ang pagkakapalit ng laboratory samples. Sa interview, sinabi ng hospital board na gagawin nila lahat ng makakaya na hindi ulit ito mangyari at sisikapin nila na makuha ulit ang tiwala ng kanilang pasyente.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=2mS-nRTbtoo