Business

Paglilipat mula sa Softbank sa ibang mobile company planong gawin ng LIBRE

Sinimulan nang isaalang-alang ng Softbank na gawing libre ang mga bayarin kapag inililipat ang mga kontrata ng mobile phone sa ibang mobile company. Kung babaguhin mo ang iyong kontrata sa mobile phone, Kinakailangan mong magbayad ng 3,000 yen kung gagamitin mo ang “number portability system” upang lumipat sa ibang kumpanya na may parehong numero ng telepono. Sinuri ng Ministry of Internal Affairs and Communications ang policy na ito at ipinahiwatig na hihilingin sa mga kumpanya ng mobile phone na tanggalin na ito at gawing “libre” pati na rin ang para sa mga online na pamamaraan na may singil na “1000 yen o mas mababa pa” ganun din para sa over-the-counter na pamamaraan. Ayon sa mga taong nababahala, isinasaalang-alang ng SoftBank na gawin itong walang bayad para sa parehong  online at over-the-counter na pamamaraan.

Source: ANN NEWS

To Top