Pagpapaliban ng Olympics ng 1 Taon aprubrado na
Ang IOC (International Olympic Committee) ay nagkakaisa na inaprubahan ang board meeting kamakailan upang ipagpaliban ang Tokyo Olympics ng halos isang taon. Ang IOC ay agad na nagsagawa ng isang pagpupulong noong ika-24 pagkatapos magsagawa nina Prime Minister Abe at Pangulong Bach ng isang talumpati sa telepono. Ang mga nilalaman ng kasunduan sa pag-uusap ng dalawa sa telepono, ay tulad ng pagpapaliban sa Tokyo Games sa loob ng halos isang taon, at ito naman ay inaprubahan unanimously ng board members. Ang tiyak na petsa ay hindi pa napagpapasyahan ng IOC Coordinating Committee at ikokonsulta pa sa Tokyo Organizing Committee. Ayon sa Reuters, sinabi ni Bach matapos ang pulong ng lupon na ang pahayag ni Punong Ministro Abe “ay hindi rason ang pagtaas ng mga gastos; ang mga postponement na isasagawa ay upang maprotektahan ang mga buhay ng lahat ng dadalo upang makiisa sa olympic event laban sa di pa nasusugpo at patuloy na pagkalat ng coroavirus.” Ang Olympic Committee at sporting bodies sa iba’t ibang mga bansa ay tinanggap naman ang desisyon ng IOC na ipagpaliban ang event na ito.
Source: ANN News