Business

Pagsasara ng mga klase at ilang Telework dahilan sa pagbagal ng internet speed

Ngayong buwan, nakararanas ng mataas na Internet traffic ang Japan. Kung kaya’t wag magtaka kung may mga pagkakataong nawawalan kayo ng connection o kaya bumabagal ang inyong internet. Sa dami ng mga users na ang dahilan ay ang maagang pagsasara ng mga paaralan at pagtaas ng telework jobs upang makaiwas sa mabilis na paghahawa hawa dahil sa dami ng mga empleyadong pumapasok sa mga kumpanya. Gumawa ng survey ang NTT Communications sa weekly internet usage mula 9:00 AM- 6:00 PM at lumabas sa resulta na tumaas ng 35% ang traffic kumpara noong nakaraang buwan at nadagdagan pa ito ng 5% sa ikalawang linggo. Ang pagtaas ng paggamit ng komunikasyon para ma-access ang corporate in-house systems at pagdami ng mga taong nagtatrabaho sa telework at videoconferences upang makaiwas sa pagkakahawa at pagkalat ng coronavirus ang isa sa major na dahilan ng pagbagal ng speed ng internet. Idagdag pa ang pagsasara ng mga paaralan ngayong buwan na siyang nagbigay daan upang  ang mga bata ay makapanuod ng videostream services for learning materials.

Source: ANN News

To Top