Ayon sa survey ng 3,000 katao, ikumpara sa 3 taong nakalilipas, may 7.5% na dagdag ng tao na hindi nagi-give way sa ibang tao.
Na-diskobre ang dahilan sa likod nito: marami ang ayaw sa solidarity. Mga nasa 60% ng tao ang may mapait na karanasan tulad ng nababale wala ang nais na pagtulong o di kaya napapagalitan dahil sa pagtrato sa mga nakakatanda bilang isang elderly person.
Para ma-solusyonan ang problema na ito sa Tokyo, ay pinamigay ang “help mark” para matulungan ma-identify ang mga taong kailangan ng tulong. Ang plakang ito ay ilalagay sa lugar na madaling makita ng mga tao, at para malaman na kailangan nila ng tulong. Ang plakang ito ay inaasahang makikilala sa buong Japan, para makapag enganyo sa mga tao na irespeto ang isa’t isa at makapamuhay sa isang user-friendly na society.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=enOFU0EWsp8