General

Pamamaga ng mga ugat: posibleng maituring na isang sintomas na may kaugnayan sa coronavirus ayon sa mga kaso sa US

Ang mga pamilyar na sintomas ng new coronavirus ay kinabibilangan ng lagnat, ubo, problema sa pang-amoy at panlasa, at pneumonia, pero sa Europa at United States, ang mga sintomas nito ay nahahawig ng tulad sa ” Kawasaki disease,” na kung saan ay may pamamaga sa mga ugat, partikular na apektado at makikita ito sa mga batang nahawahan ng virus. Ang mga sintomas ay nakumpirma at posibleng iniuugnay ito sa new coronavirus. Ang Kawasaki disease ay isang uri ng karamdaman na hindi alam ang pinagmulan at kadalasang naaapektuhan ang mga batang edad 4 pababa. Ang pamamaga ng ugat ay nangyayari sa buong katawan, posible ding magkaroon ng sintomas ng mataas na lagnat at rashes, at humps sa ugat ng puso, na posibleng magkaroon ng kaso ng angina o myocardial infarction.

Una ng naireport ang kaso ng Kawasaki disease noong taon ng 1967 ng pediatrician Doctor na sa Dr. Fumio Kawasaki. Sa New York City, USA 15 bata, edad 2 hanggang 15 ay naconfine sa hospital ng may mga pagkakahawig na sintomas nang tulad sa kawasaki disease. Mula dito 10 ang nakumpirmang positibo sa virus sa pamamagitan ng PCR test o kaya naman ay may presensya ng antibodies mula sa pagkakarecover sa unang pagkakahawa ng virus. Ang kaugnayan ng Kawasaki disease at coronavirus ay hindi pa natutukoy.

Nagbigay paalala naman si Mayor Debrasio ng New York sa mga pamilyang may mga maliiit pang bata: ” Rare ang ganitong kaso, pero may mga kapansin-pansing sintomas na tulad ng lagnat, rashes, abdominal pain, at pagsusuka sa mga bata.” Sa UK, ang bilang ng mga taong nahawahan at positibo ay hindi pa opisyal na inaanunsyo, ngunit ayon sa isang lokal na media, mayroong 19 na katao ang naitatransport na may mga sintomas tulad ng lagnat at pamamaga ng mga ugat. Naiulat na ilan sa mga bata ay malubha ang kondisyon at kinakailangan ng ECMO artificial heart-lung machine. Nakumpirma ang ilang parehas na kaso sa France at Italy, na humigit kumulang ay umabot sa 100 katao sa 6 na bansa. Sa parehas na vascular condition, napag-alaman na nakitaan rin ng ganitong sintomas ang mga adult na nahawaan ng virus, mayroong thrombotic complications tulad ng cerebral infarction. Si Nick Cordero, isang American Broadway actor ay nagkaroon ng right leg amputation ng dahil sa komplikasyon ng virus. Tumatanggap sya ng treatment sa ICU nung napag-alaman na meron syang bloodclot. Dahil dito ang cerebral infarction, myocardial infarction at iba pang katulad na sintomas ay pinaghihinalaang may kaugnayan dito.

Ayon kay Yoshihito Futaki, isang professor sa Showa University School of Medicine, isang dalubhasa sa larangan ng infectious diseases, mayroong isang karaniwang karamdaman na may kaugnayan sa daluyan ng dugo sa mga sintomas na ito, at ang bagong coronavirus.Posible na may mga bagay na maaaring umaatake sa mga daluyan ng dugo, o “cytokine storm” ito ay kadalasang nangyayari kapag “ang mga immune cells ay bumababa o nawawala” dahil sa impeksyon sa virus, na nagdudulot ng mga pamumuo ng dugo at pamamaga sa pamamagitan ng pagkasira ng mga cell sa loob ng mga daluyan ng dugo ito ay isa lamang spekulasyon, ngunit sa ngayon ay walang malinaw na link sa kaugnayan nito. Gayundin, dahil medyo madali para sa mga mas bata na henerasyon, kinakailangang mag-ingat lalong lalo na sa mga may maliliit na bata.

https://youtu.be/jja1z6AMKJU

Source: ANN News

To Top