Crime

Panawagan sa mga kababayan natin sa Japan, Mag-ingat sa babaeng ito

Isa sa mga biktima ng isang nagngangalang FRANCISCA ORONGAN MIOLATA ang humihingi ng tulong sa social media upang maipadakip o maibalik man lang ang mga pera ng mga biktima na itinakbo umano ni Francisca kapalit ng pangakong makakarating umano sila sa japan at makakapagtrabaho. Siya na daw umano ang bahalang maglakad ng mga kakailanganing papeles pati na rin ang pagpoproseso ng visa nila upang sila ay makaalis ng pilipinas at makarating sa bansang japan at ipinangako nyang sa loob lamang ng ilang araw na paghihintay ay lalabas agad ang ang kanilang visa at sigurado silang makakaalis.

Matamis ang dila at dahil na rin sa mga pangako nito, nagtiwala ang marami sa kababayan natin sa pilipinas ngunit di nila inaasahang lolokohin lang sila matapos makakuha ng hindi bababa sa humigit kumulang 50,000pesos bawat isang tao.

ayon sa salaysay ng isang nabiktima:

“di ko siya kilala talaga, friend ko ang nakakakilala sa kanya pero sa japan narin po. Sabi niya sa akin nag process po siya ng working visa pa japan, basta ba willing mag bayad ng ganitong halaga, tapos sabi pa 3 yrs contract daw po ganito ganyan. Nag bigay ako ng pera may 2017 pa po. Nalaman ko na lng po nitong dec 2017 na refugee visa pala yung inaasikaso niya sa akin, pero nakapag bigay na po ako ng pera. Ang dami niya po excuses kaya yun po di ko na po talaga napalampas, sabi ko isauli pera ko kasi nalaman ko na ganun pala gawain niya. Sinasabihan niya pa ako ng wala kang ebidensya ganito ganyan sabi ko lng po sa kanya screen shot ko na lahat ng convo natin. At di po talaga ako titigil hanggat di po siya nagbabayad.

Madami po ang sa pinas pero sa japan ibang cases daw din po mga plane ticket tapos binayaran niya din daw po yung mga naloko niya sa japan, kaming dito sa pinas wala po talaga kasi sabi niya wala daw po kami.magagawa kasi nasa japan siya. Di ka aabutin ng weeks sa pinas pagkabigay mo.ng pera days ka lng japan ka na.”

narito din ang ilan sa kanilang aktwal na usapan at ilan pang reklamo kay Ms. Francesca.

eto naman ang link sa isang facebook post na humihingi ng saklolo sa isang social media forum si Ms. Jebhang Dos.

https://www.facebook.com/malagocommunity/posts/2047873691919573

 

sadyang napakarami ng naloko ang babaeng ito ayon mga kwento ng ilan nating kababayan. Alam naman natin sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan ang mga ganitong scenario kung kaya’t pinapayuhan ang publiko na magingat sa pagtitiwala at wag basta basta maniniwala sa madaliang pagginhawa. Ultimo kamag-anak at kadugo meron pa ding naloloko paano pa kaya ang iba?

Source: Facebook

 

Panawagan sa mga kababayan natin sa Japan, Mag-ingat sa babaeng ito
To Top