Isang pinay ang inirereklamo diumano ng mga kapwa pinoy din na “nabudol-budol” o niloko nya para mag-invest sa iba’t ibang project at pinapangakuan sila ng mataas na interes kapalit ng kanilang perang i-invest. Lumapit ang isa sa mga naloko ng pinay na si Mr. Patrick Barrientos upang humingi ng tulong para maipakalat ang naturang impormasyon nang sa gayon ay maiwasan nang makapanloko pa ang nasabing pinay. Hindi lang daw umano sya nagiisa kundi gumagamit din sya ng iba pang kasama para maisagawa ang pang-iiscam sa ating mga kababayan.
Pinangalanan ng mga biktima ng panloloko nya ang pinay na si, Jessielyn Abueva Fernando. Modus umano ng pinay na kaibiganin ang mga nakikilalang alam nyang may properties o di kaya naman ay may pera at hihikayating maginvest sa kanya kapalit ng malaking tubo na hindi bababa sa 10% gamit ang isang pangalan ng kumpanya na FAST CORPORATION. Nag-aalok din sila ng Money changer na may mas mataas na exchange rate kumpara sa iba ngunit lahat ng iyan ay modus lamang. Magaling magsalita at mukhang sanay na sa ganitong gawain si Fernando dahil may mga outstanding cases na ito ng estafa sa pilipinas pa lamang. Hindi na mabilang sa dami ang naloko ni Fernando at ng iba pang kasamahan nito kabilang na ang asawa nito na magpasahanggang ngayon ay hindi pa din nahuhuli kung kaya’t nananawagan ang mga iba pang nabiktima nila na magtulong tulong para sa mabilisang aksyon. Hindi na mabilang kung ilang libong lapad at ilang milyong peso ang nakulimbat ni Fernando sa kanyang mga nauna nang nabiktima. May iba nang nagsampa ng kaso sa gawing tokyo at naghihintay na lamang ng resulta, ang iba naman ay lumapit na sa embahada kung kaya’t nagpalabas ng notice ang embahada tungkol sa usaping ito.
Narito ang nilalaman ng panawagan ng Philippine Embassy sa Tokyo:
“PAALALA SA PUBLIKO: Magingat Sa Posibleng Investment at Remittance Scams
Nakatanggap po ang Embahada ng mga ulat mula sa ilang Filipino na nabiktima ng mga investment at remittance scams.
Ang investment scam ay nanghihikayat ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga pangakong matataas na profit margins or return on investment na makukuha sa mabilis na panahon.
Ang remittance scam naman ay nangangako ng napakataas na exchange rates kumpara sa offer ng mga established na remittance companies or banks.
Ang mga scam na ito ay karaniwang makikita sa social media. May pagkakataon din na ang mga kaibigan o kasama sa trabaho ang magbibigay ng mga ganitong offer.
Hangad po ng Embassy na paalalahanan ang publiko na mag-ingat sa ganitong mga modus operandi. Para tiyakin ang inyong seguridad, sa mga kilala at established na banks or remittance companies lang maglagak ng pera.
Kung nais namang mag-invest sa Pilipinas, tiyakin na ito ay registered sa Securities and Exchange Commission (SEC) o sa Department of Trade and Industry (DTI).
Maraming salamat po.”
Mayroon na ring naunang napost na article sa Philippine Star ang naturang insidente. Ayon sa article, ngunit sadyang madulas raw si Fernando kung kaya’t magpasahanggang ngayon ay malaya pa rin silang nakakapanloko. Ang dahilan ng paghingi ng tulong ni Mr. Patrick sa ating page ay upang maging aware ang lahat at maiwasang makapamiktima pa. At mahuli ang mga ito nang sa gayon ay hindi na makapanloko pa.
Narito ang ibang post sa social media ng mga nabiktima rin ni Jessielyn Fernando:
Anong masasabi nyo dito? Kayo na ang bahalang humusga.
Source: Facebook profile
You must be logged in to post a comment.