Marami sa ating mga kababayan ay nangingibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay. Marami ang naghahangad na maiahon sa kahirapan ang pamilya dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas at kawalan ng hanapbuhay. Sa tagal ng pananatili sa ibayong bayan, ang iba ay nakakapangasawa na ng foreigner or lokal na mamamayan sa bansa kung saan sila nagtratrabaho, kabilang na dito ang Japan. Ngunit hindi lahat ng kwentong Pinay-Japanese marriage ay masaya. Heto ang aking panayam kay Cyrene, isang Pinay na kinasal sa isang Hapon.
Bakit ka nagpunta ng Japan?
Dahil kailangan kong magtrabaho bilang isang talent.
Anung dahilan bakit mo kinailangang mangibang bansa?
Dahil sa hirap ng buhay sa Pinas. Ang aking ina ay labandera at ang aking ama ay isang karpentero lamang.
Ilang taon ka ng namamalagi sa Japan?
Limang taon na.
Saan mo nakilala ang iyong mister?
Sa party ng isang kaibigan.
Ilang taon na kayong kasal sa ngayon?
Isang taon na.
Kumusta naman ang inyong pagsasama?
Nung una ay okay siya pero sa katagalan sobrang higpit niya sa pera at palagi kaming nag-aaway.
Sinubukan mo bang ayusin ang inyong di pagkaka-unawaan?
Oo, pero di ako nagtagumpay. Sa tinagal-tagal, ni hindi na nya ako binibigyan ng pera. Pati perang pang-suporta sa pamilya ko nawala. Ayaw ko siyang iwan dahil alam ko sa huli ay magbabago din siya.
Anu- ano ang mga pagtitiis na ginagawa mo para sa relasyon niyo?
Di na niya ako kinakausap na parang ibang tao ako sa kanya. Minsan, kinakausap niyang mag-isa ang kanyang sarili at minsan na-weweirduhan na ko sa kanya dahil ang akala ko ang mga Hapon ay malalambing. Hindi na niya ako tinatabihan. Wala na siyang oras para sa amin. Wala ng init ang kanyang pagmamahal.
Di ka na niya tinatabihan; di ka ba nanghinala na meron na siyang iba?
Wala siyang iba kasi ilang beses ko syang sinundan. Ganon pa rin; trabaho at bahay lang siya. Sadyang nanlalamig lang siya sa akin.
Abangan ang Part 2 ng ating panayam patungkol sa Pinay-Japanese marriage.
image credit: Keoni Cabral/Flickr