Panibagong Ayuda hanggang 30 Lapad?
Kinokonsidera ng Japan Government ang panibagong programa ng ayuda na aabot hanggang ¥300,000 para sa mga pamilyang nangangailangan at apektado ng pandemya upang makatulong maitawid ang pang-araw araw kahit papaano.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga aplikante sa programang ito para sa pandemic support ay kinakailangang pasok sa mga kondisyong nakapaloob dito tulad na lang ng dapat wala kang deposit at ipon sa bangko na hihigit sa ¥1 million, ngunit hindi kasama dito ang mga nasa welfare ayon sa mga source.
Ang gobyerno ay kinokonsiderang hatiin ito at ibigay buwanan sa halaga ng ¥60,000 para sa single-member households , ¥80,000 para sa two-person households at ¥100,000 para sa may 3 o higit pang miyembro ng pamilya sa iisang tirahan sa loob ng 3 buwan simula july.
Ang desisyung ito ay nabuo dahil sa pagkokonsidera ng pagpapatupad muli ng ikatlong state of emergency dahil sa fourth wave ng infections sa ilang lugar.
Noong nakaraang taon, ang gobyerno ay nagbigay ng ¥100,000 bawat isang aplikante upang makatulong sa epekto ng pandemya sa kabuhayan ng mga mamamayan simula ng maglundan ang gobyerno ng pinakaunang state of emergency mula April hanggang May.
Bilang dagdag suporta nagbibigay din ang gobyerno ng loan na walang interest at walang collateral. Kamakailan lang ay nagbigay ng tulong pinansyal ang gobyerno na nagkakahalaga ng ¥50,000 bawat bata sa isang pamilya.
Source: Japan Times