News

PANSAMANTALANG PAGTIGIL NG PAGBENTA NG POTATO CHIPS 

Dahil sa bagyo na nangyari last summer sa Hokkaido, ang mga major manufacturers ng potato chips ay nawalan ng supply ng mga patatas. Ang mga companies ay nag-anunsyo na pansamantalang ititigil o di kaya tuluyang itigil ang pagbenta ng ilan sa mga produkto. Ang Manufacturer na Koikeya ay nagtigil ng produksyon sa kanilang 16 na produkto noong nakaraang buwan, ang Calbee din ay nag anunsyo ng pagtigil ng kanilang 33-product na produkto by the end of this month.

Ang 70% ng mga patatas na ginagamit ng mga manufacturers na Calbee at Koikeya ay galing sa Hokkaido. Sa ngayon, hindi posibleng makabili sa ibang bahagi ng mga probinsya, dahil ang pag ani sa bandang south ng bansa ay sa katapusan pa ng May. Para mabigyan lunas ang pagkakulang ng produkto, ang Calbee ay naghiling na mag import sa ibang bansa ngunit dahil sa mababang kalidad kaysa sa hinahangad, hindi ito naging posibleng makagawa ng produkto na pasado sa pagbebenta.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=i9mBBoO_YOk

To Top