Beauty

Paraan para pumuti ang ngipin

Ang pagngiti ang isa sa nakakaganda sa isang tao. Kapag tayo ay ngumingiti ay nakaka-good vibes ito hindi lang sa sarili natin kundi sa mga tao na nginingitian natin.

Pero paano kung hindi ka makangiti kasi madilaw ang iyong ngipin? Huwag kang mag-alala dahil marami namang paraan para pumuti ang naninilaw mong ngipin. Narito ang apat sa mga paraan na maaari mong subukan.

1. Pagkaing mayaman sa calcium: Ang pagkain ng mga mayaman sa calcium tulad ng broccoli, keso at gatas ay makakatulong para pumuti ang iyong ngipin. Magagawa nitong ibalik ang kulay ng iyong ngipin na mula sa pagiging puti ay naging dilaw dahil sa tooth disco­loration at pagkawala ng enamel na siya namang nagpapalabas ng kulay dilaw na dentin na nasa ilalim nito.

2.Langis ng niyog: Isa sa matagal ng pamamaraan kung paano magpaputi ng ngipin ang pagmumumog ng langis ng niyog. Kakaiba man ang paraan na ito ay sigurado naman itong epektibo. Hindi lang nito papuputiin ang iyong ngipin kundi magagawa rin niton pabanguhin ang iyong hininga at gawing healthy maging ang iyong gilagid. Simple lamang ang paraan kung paano ito gawin.Isang kutsara lamang ng langis ng niyog ang imumumog mo bago ka magtoothbrush at tuwing umaga mo lamang ito gagawin ay magiging epektibo na. Ang taglay na lauric acid ng langis ng niyog ang siyang pupuksa sa mga mikrobyong kumakapit sa mga plaque ng ngipin na dahilan ng paninilaw nito.

3. Baking soda at kalamansi: Isa rin sa kilala at epektibong paraan para mapaputi ang iyong ngipin ay ang kombinasyon ng ba­king soda at kalamansi. Tatlong kutsara lamang ng ba­king soda at katamtamang dami ng kalamansi ay sapat na para makagawa ka ng paste na siya mong ipanglinis sa mga ngipin mo. Ang baking soda ay may natural na whitening properties kaya popular itong ingredient sa mga commercial toothpastes.

4. Lemon o balat ng orange: Ang lemon at orange ay may taglay na acid na mabisang pampaputi ng ngipin. Ang mga balat nito ang siya mong ikukuskos sa iyong ngipin sa loob ng dalawang minuto. Pagkatapos ay maaari ka ng magmumog ng tubig. Maaari mo itong gawing ng tatlong beses o higit pa sa loob ng isang linggo.

Source:Abante

 

Paraan para pumuti ang ngipin
To Top