General

PARAAN UPANG MAGING JAPANESE

“Kahit walang lahing hapon ay maaaring maging Hapon”

**Ang prosesong ito ay matagal at mahigpit at kada kandidato ay maaaring hingian ng iba`t ibang klaseng mga dokumento. Ang normal na proseso ay magkakaroon ng interview sa lengguaheng Hapon, ang mga dokumentong nanggaling sa ibang bansa ay kailangan lahat naka-translate sa Japanese, at kailangan i-filled up ang form na kanilang ibibigay.

**Kahit walang lahing hapon ay maaaring maging Hapon, kung kayo ay naaangkop sa kanilang mga kondisyon at kung makokompleto ang mga dokumentong kanilang hinihingi. Subalit hindi lahat ay naaaprobahan dahil sa kondisyon ng aplikante.

**Ang proseso ay maaaring tumagal ng isang taon o mas pa depende sa kaso ng aplikante. I-check ang mga kondisyon at dokumento na kakailanganin (pwera dito ay maaaring hingian ng addicional documents) sa pag-apply sa pagiging Japanese Citizen.

Mga kondisyon:

1. Kailangan nakatira sa Japan ng limang (5) taon o mahigit pa dito, at kailangan legal ang pananatili ng aplikante sa Japan.

2. Kailangan higit sa dalawampung (20) taong gulang na ang aplikante at nasa legal age na ito sa kanyang bansa.

3. Kailangan ay may maganda itong record: Kinukunsidera ng mga awtoridad kung may naging kaso ba ito o wala, kung nagbabayad ba ito ng buwis ng maayos, at kung wala itong naging problema sa sambayanan.

4. Kailangan may tamang pinansyal ito upang mamuhay ng matatag. Sa kasong ito kailangan may income na maayos o may kakayahan ang iyong asawa o pamilya na sustentohan ang aplikante.

5. Kailangan handa ang aplikanteng bitiwan ang kanyang nasyonalidad na meron ito nang nag-apply.

6. Kailangan wala itong pinaplanong pagsira sa gobyerno o paglabag sa batas ng Japan.

Ayon sa ministeryo, mas malaki ang posibilidad na mabigyan ng Japanese citizen ang mga pinanganak sa Japan, kasal sa Hapon, o may lahing Hapon.

Maaaring magkaroon ng exam sa pagbabasa at pagsulat ng Japanese. subalit hindi kailangan na may Japanese proficiency.

Mga dokumentong kakailanganin:

1. Naturalization Permission Application Form (帰化許可申請書 – Kika Kyoka Shinseisho)

2. Family Outline (家族の概要 – Kazoku no Gaiyou)

3. Motivation for Naturalization Essay in Japanese (帰化の動機書 – Kika no Doukisho)

4. Personal History (履歴書 – Rirekisho)

5. Living Expenses Outline (生計の概要 – Seikei no Gaiyo)

6. Business / Income outline (事業の概要 – Jigyo no Gaiyo)

7. Residence Certificate (住民票 – Juuminhyou)

8. Certificate of Nationality (国籍証明書 – Kokuseki Shomeisho)

9. Certificate of Family Relations (家族関係証明書 – Kazoku Kankei o Shomeisho)

10. Certificate of tax payment (納税証明書 – Nozei Shomeisho)

11. Certificate of Annual Income (収入証明書 – Shunyu Shomeisho)

12. Certificate of Residence Histrory (在留歴証明書 Zairyureki Shomeisho)

Source: Ministry of Justice

PARAAN UPANG MAGING JAPANESE
To Top