Health

Mga senyales ng pagkakaroon ng parasitiko(parasite)

Ang mga parasite/parasitiko ay mga microorganism na nabubuhay at lumalaki sa pamamagitan ng pagkabit sa isang host.

Habang ang ibang parasitiko ay pwedeng direktang pagmulan ng iba’t ibang klaseng sakit, pwedeng ang iba naman ay maaring magdulot ng toxins na makakasama sa kalusugan ng host. Nakakasurvive ang parasite sa pagkain at nutrisyong makukuha mula sa host,habang ang iba naman ay sa red blood cell naman.

Narito ang mga common at kilalang parasites tulad ng: pinworms, lambia, hookworms, tapeworms, trichinella at dientamoeba fragilis na kadalasang makukuha mula sa mga lugar na talamak eto o kaya naman ay sa pamamagitan ng pagkain o paginum ng kontamindong pagkain o inumin, o kaya naman ay mula sa poor hygiene o naman ay mahinang immune system.

Ano nga ba ang senyales ng pagkakaroon ng mga parasitiko?

1. Hindi maipaliwanag na dahilan ng pagtatae, kabag o iba pang sintoma ng IBS (Irritable Bowel Syndrome).

2. Pagta-travel sa ibang bansa na may mga pagkakataon ng pagtatae sa di malamang dahilan.

3. History ng food poisoning at pagbabago ng panunaw magmula doon.

4. Nahihirapang matulog, o di kaya’y laging nagigising sa gabi ng ilang beses.

5. Skin irritations o di maipaliwanag na rashes, hives, rosacea o eczema.

6. Pagkikiskisan ng ngipin habang natutulog.

7. Pananakit ng muscles o joints.

8. Pagkaranas ng fatigue, lubhang pagkapagod, depression, o madalas na pagkaramdam ng walang pakealam sa ibang bagay o tao.

9. Walang kabusugusan sa pagkain.

10. Pagkakaroon ng iron-deficiency anemia.

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga nabanggit, mainam na magpatingin sa doktor o di kaya’y magpakuha ng stool test para malaman kung kayo nga ba ay may parasite sa katawan o wala.

source: elite thread

Mga senyales ng pagkakaroon ng parasitiko(parasite)
To Top