General

PASAY CONCERT TRAGEDY UPDATE

MULTIPLE ORGAN FAILURE, ito ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa sa mga naiulat na nasawi sa Close Up Forever Summer matapos umano silang nakainom ng inuming alak na umano’y may droga noong Mayo 21 sa nasabing concert party sa Pasay. Ito ay kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes batay sa mga resulta ng otopsiya at toxicology kay Ken Miyagawa, 18; at Anthony Miller, 33.

Sa isang press conference, nabanggit ni PNP Crime Laboratory Chief Supt. Manuel Aranas na ang mga biktima ay  nakagamit ng amphetamine, para-methoxy amphetamine (PMA), methyline dioxy amphetamine (MD-MA) at methylene dioxy cathinone (MDC). Ito ay mga uri ng gamot na nakakaapekto sa utak ng isang tao upang maging hyper o sobrang sigla. Si Miyagawa at Miller ay nagkaroon din ng mataas na antas ng alak sa kanilang dugo, na nakapagpalala sa epekto ng nasabing bawal na gamot. Ayon pa kay Aranas higit na napinsala ang puso ng mga biktima na marahil sa iregular o sobrang pagtibok ng puso. Natuklasan din na ang mga biktima ay nagpakita ng mga palatandaan ng fibrosis o paglapot at pagkakapilat sa kanilang mga connective tissue sa puso,  na maaaring maging indikasyon na hindi ito ang unang beses na sila ay gumamit ng nasabing droga. Ang kanilang utak nakitaan din ng labis pagtutubig. Samantalang ang kanilang mga baga at bato ay lubha ding napinsala habang ang kanilang mga katawan ay nagpakita ng mga palatandaan ng labis na pagkaubos ng tubig o dehydration.

Ang mga natuklasan kay Miyagawa at Miller ay naaayon sa mga ng indikasyon ng atake sa puso na una nang nabanggit na naging sanhi ng pagkamatay nang dalawang pang mga concert-goers na si Lance Garcia at Bianca Fontejon. Samantala, ang ikalimang biktima ay nakilalang si Ariel Leal. Naghahanda na ang mga kamag-anak ng mga bikitma upang magsampa ng kaso laban sa mga organizers ng open-air festival.

SOURCE: ABS-CBN NEWS

http://k2.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/06/07/16/2-pasay-concert-victims-suffered-multiple-organ-damage

To Top