Anim na taon ang nakakalipas matapos ang trahedya ng Great Earthquake sa East Japan, ang paghahanap sa mga nawawala ay patuloy pa din.
Ang mga Police kasama na ang mga coast guard, na nasa 20 katao, ang nagsimula ng joint search kahapon para sa trail ng mga nawawalang tao sa karagatan ng Miyagi. Ang layunin ay makahanap ng kahit mga ari-arian, damit at mga buto para maibalik ang mga biktima sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon sa data na galing sa National Police Agency, mayroong 15,893 na namatay at nasa 2,554 katao pa din ang hindi pa natatagpuan hanggang ngayon.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=0njF0_rmG1U