General

PCR inspection system na may 13 robot arms ihinahanda para sa malawakang PCR Testing

Ang fully automatic na PCR inspection system na ito ay may 13 robot arms na kayang sumuri hanggang 2500 cases bawat araw. Dahil rito kaya nitong suriin ang mga sample ng mas mabilis at mas maramihan kaysa sa tradisyunal. Ito ay ginagamit na sa Fujita Medical University sa Aichi Prefecture at sa mga susunod ay magiging available na sa Kyoto University. Ang Kawasaki Heavy Industries ay may planong maglaba ng 50 units nito para magamit sa buong bansa simula Marso sa susunod na taon. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare ang bilang ng inspeksyon sa buong bansa ay nasa 80,000-100,000 kada araw, pero kung mauumpisahan na ang pag-gamit nito maaring umakyat hanggang sa 120,000 kada araw ang inspection capacity ng mga PCR Tests.

Source: ANN NEWS

To Top