General

Penalty para sa pagsira ng National flag, pagkakulong ng hanggang 2 taon

Kung ang Japan Flag sa kahit anumang rason ay sinira, may karampatang parusa na pagkakulong ng aabot hanggang 2 taon.Ito ang bagong amendment na nais isulong ng Liberal Democratic Party, maski na ang pamamaraan o dahilan ng pagsira sa bandila ay para lamang mang-insulto o maglabas ng sama ng loob, walang lusot ang sinuman na gagawa nun.

Ayon kay Former Minister of Internal Affairs and Communications Takaichi: ” Sa ilang kadahilanan, ang Japan’s criminal law ay walang anumang penalty o itinalagang parusa sa sinuman sisira sa national flag ng Japan. Pinoprotektahan rin ng Japan ang karangalan ng bansa.”

Dahil rito, naisipan ng Liberal Democratic Party na magpasa ng bagong policy upang baguhin ito. Nakasaad na maaring makulong ng hanggang 2 taon ang sinumang mapatunayang guilty sa pagsira ng national flag ng Japan o di kaya naman ay multa na aabot sa 200,000 yen.

Source:ANN NEWS

To Top