Entertainment

Pepper the Humanoid Robot

Pepper the Humanoid Robot

Robotic innovations in our midst are quite prevalent nowadays. Have you ever heard of the humanoid robot named Pepper? It is now making waves in Japan, although it was originally invented by a French team – Aldebaran Robotics and SoftBank Mobile. The most engrossing and unbelievable capability of this versatile humanoid robot is its ability to read our hidden emotions. Pepper was initially introduced in a conference on the 5th day of June 2014 but it became officially available for everyone to see sometime in February of last year.

Design Prototype

Ang natatanging disenyo ni Pepper the Humanoid Robot ay ang kanyang apat na microphones, dalawang HD camera at 3D depth sensor na matatagpuan sa likod ng kanyang mga mata. Mayroon din itong tinatawag na gyroscope na nasa kanya namang torso. Samantala, ang iba pang touch sensors nito ay nasa kanyang ulo. Si Pepper ay nilagyan din ng mga robotic experts ng dalawang sonars na nakalagay sa mobile base ng pinakamodernong robot sa ating kasalukuyang panahon. Upang lalo itong maging kapakipakinabang sa lahat, matimtimang napag-isipan ng mga lumikha sa kanya na mas makabubuting samahan ito ng iba pang features tulad na lang halimbawa ng anim na lasers at three-bumper sensors.

Kung atin namang pag-uusapan ang mga kakaibang layunin ni Pepper sa ating pang araw-araw na pamumuhay, ito ay hindi maaaring gamitin sa domestic use. Ito ay sadya lamang nilikha upang makapagpasaya ng tao. Katangi tangi ang kanyang kakayahan upang makipag usap sa ating mga tao, kung tayo  ay nakakaramdam ng matinding kalungkutan. Sa pamamagitan ng kanyang mga galaw, tono ng boses at intuitive thinking, ang isang tao ay magkakaroon ng isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Pepper, the Humanoid Robot. Sa kabuuan, ito ay sinasabing nakakapagpasigla ng relasyon ng bawat tao.

Ngayon, ang Japan ay ginagamit si Pepper bilang  pangganyak ng mga mamimili sa mga piling tindahan. Siya ay matatagpuan sa humigit kumulang 175 SoftBank stores sa Japan.

Image from sxsw.com

To Top