Pets receive special blessing in Manila
By
Posted on
Dinagsa ng mga aso, pusa at maging ng isang alagang kuhol ang isang simbahan sa Maynila para sa espesyal na pagbabasbas bilang paggunita kay San Francisco de Assisi, patron ng mga hayop at kalikasan.
Sa Malate Church, pumila ang mga deboto kasama ang kanilang mga alagang hayop upang wisikan sila ng banal na tubig ng mga pari. Ginaganap ang tradisyong ito tuwing Oktubre bilang pagpapakita ng paggalang at malasakit sa lahat ng nilalang.
Para sa mga pet owner, ang seremonya ay paraan ng pagpapasalamat sa pagmamahal, saya at samahang ibinibigay ng kanilang mga alaga, na itinuturing nilang bahagi ng pamilya. Nag-alok din ang parokya ng libreng pagbabakuna para sa mga aso at pusa sa paradahan ng simbahan.
SOURCE: KYODO / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
