Pfizer’s vaccine standard price nasa 2000 yen bawat dosis
Tungkol sa presyo ng pagbebenta ng bakuna kontra corona na inihayag ng higanteng parmasyutiko ng US na “Pfizer” na “higit raw umano sa 90% positibong epekto ang resulta ng mga datos”, kanilang ipinahayag na nasa 2000 yen ang halaga ng bawat dosis at magiging pamantayan para sa mga pagbebenta sa mga developed countries. Ang Biontech ng Alemanya, ang bumubuo ng mga bakuna kasama ang Pfizer, at naglabas ng quarter financial results noong November 10. Inihayag ng Biontech na ang presyo ng pagbebenta para sa isang dosis ng pagbabakuna ay humigit-kumulang na nasa $ 19.5 = nasa 2000 yen, na na-convert mula sa presyo ng 100 milyong dosis na ibinibigay sa Estados Unidos para sa mga bansang nauna ng nagpahayag ng interes sa pagkuha ng supply ng bakuna. Sa kabilang banda, layunin nitong magbigay una sa mga developing countries , at inaasahan na magkakaiba ang presyo depende sa bansa o rehiyon. Sumang-ayon ang Japan na makatanggap ng 120 milyong dosis, at sasagutin ng gobyerno ang buong halaga ng pagbabakuna.
https://youtu.be/ejq6jOwimF8
Source: ANN NEWS