International

PH, US, Japan, Nangako ng Closer Cooperation sa Key Security Issues

Tinitingnan ng Pilipinas, Japan, at United States ang posibilidad na palakasin ang kooperasyon sa various security issues.

Ito ay kasunod ng inaugural Philippines-Japan-US Trilateral Defense Policy Dialogue (TDPD) noong Setyembre 13.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong na ang kaganapan ay ginanap sa pamamagitan ng video teleconference.

Tinalakay sa panahon ng TDPD ang mga posibleng lugar ng pagtutulungan sa larangan ng maritime security at maritime domain awareness, cyber security, information sharing, at humanitarian assistance and disaster response.

“The Philippines delegation was led by Ms. Marita I. Yoro, CESO III, Director of the Office for Strategic Assessments and International Affairs. The Japanese delegation was led by Mr. Miura Jun, Director General for International Affairs, Bureau of Defense Policy. The US delegation was led by Ms. Lindsey W. Ford, Deputy Assistant Secretary of Defense,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Andolong na ang mga kinatawan ay nagpalitan ng mga views sa common defense at security kabilang ang mga hamon sa maritime security na may diin sa kahalagahan ng pagtaguyod ng freedom of navigation at overflight at ang mga patakarang nakabatay sa kaayusan upang matiyak ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Idinagdag niya na ang kauna-unahang TDPD sa pagitan ng tatlong bansa ay natapos sa isang kasunduan ng isang regular meeting sa pagitan ng mga delegation.

To Top