Culture

Philippine Economy under the Japanese:  Historical Profile Part 3

Philippine economy under the Japanese

Philippine Economy under the Japanese

Ayon sa isang pag-aaral ni Professor Gerardo Sicat, ang Pilipinas ay nagkaroon ng isang peace time economy sa panahon ng Japanese Occupation. Gayun din naman, ipinalalagay ng mga Hapon na napagkalooban ng malayang pag-iisip at republika ang Pilipinas bunga ng kanilang pananakop. Subalit, ang mga Hapones ay nag-iba ng kanilang hangarin sa pagkakatatag ng tobacco monopoly. Pinamahalaan nila ang Manila Tobacco Association. Ang kanilang monopoly tactic ay nakasentro sa manufacture at trading. Ang mga Pilipino ay hinikayat rin namang sumali sa kanilang economic system. Marahil, lubhang maingat sila sa pakikipamuhay sa mga ito kung kaya’t ang planong ito ay di nagtagumpay.

Shipping Industry

Ang shipping industry noon ang pinaka-pangunahing pamamaraan upang mapasigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa kanilang pamamahala. Ito rin ang pinakatanyag na mode of transportation. Dahil dito, itinatag ng mga Hapon ang Marine Affairs Bureau upang mamahala sa paggawa ng mga nasirang barko bago nila tuluyang sakupin ang Pilipinas.

Companies Confiscated

Kinumpiska nila ang Atlantic Gulf and Pacific Company at isiniilalim nila  ito sa military control. Marami pang mga kumpanya ang napasakamay ng mga Hapon tulad ng Earnshaw Docks and Honolulu Iron Works at Luzon Stevedoring Company.

Minadali ang lahat ng pagkukumpuni ng mga nasirang transportasyon upang lalong palakasin ang kanilang military operations sa Philippine archipelago. Ang inter-island shipping ay di na muling naibalik sa dati. Gumawa na lamang ang pamahalaan ng mga wooden ships upang di lubusang masira ang economic flow at agenda ng Japan para sa bago nilang colony.

Positive Effects

Mayroon rin namang magagandang  epekto ang Japanese Occupation. Ilan sa mga ito ay ang pagtatayo ng Seaman’s Training Institute na sadyang inilaan sa pagpapayabong ng kaalaman ng mga Pilipino sa nabigasyon. Kanila ring ibinalik ang pamamahala ng tobacco company sa mga negosyanteng Pilipino ng maitayag na ang isang puppet government.

Anuman ang ating naranasan at pinagdaanan sa kamay ng mga Hapon, ang mga leksiyon na natutunan ay sadyang nagbigay ng ibayong lakas at kariktan sa demokrasyang ating tinatamasa ngayon.

Image source:

Commonwealth and Japanese Period by Lauriz Aclan in Slideshare.net

To Top