Inakusahan ng pamahalaan ng Pilipinas nitong Biyernes (Hunyo 20) ang Chinese Coast Guard sa paggamit ng water cannon laban sa mga barkong Pilipino malapit sa Scarborough Shoal, sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea. Ayon sa Manila, apat na barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang hinarang ng isang barko ng China habang nagpapakarga ng krudo sa mga bangkang pangisda ng mga Pilipino.
Naglabas ng video ang mga awtoridad ng Pilipinas na nagpapakita umano ng barkong Tsino na gumagamit ng water cannon sa mga barkong Pilipino. Tinawag ng pamahalaan ang aksyon bilang iligal at delikado sa buhay ng mga tripulante.
Sa tugon naman ng tagapagsalita ng Chinese Coast Guard, sinabi nitong nilabag ng mga barko ng Pilipinas ang batas pandaigdig at batas ng Tsina, at inakusahan pa silang nagpapahina sa soberanya ng China.
Ang Scarborough Shoal ay matatagpuan humigit-kumulang 200 kilometro sa kanluran ng Luzon at nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Gayunpaman, ito ay epektibong kontrolado ng China, na noong 2023 ay nagpatupad ng unilateral na pagbabago sa kanilang mga hangganang teritoryal upang maisama ang nasabing lugar.
Source: NHK