PHILIPPINES: Ang Panukalang Batas ay Nagmumungkahi ng Intervention para sa ‘Left-behind’ Families ng mga OFW
Ang mga pamilyang naiwan ng mga migrant worker ay dapat tulungan ng gobyerno kung isasaalang-alang na ang kanilang mga anak ay pinagkaitan ng parental attention sa kanilang mga taon ng pagbuo, ayon sa panukalang inihain ni Senador Mark Villar.
Ang Senate Bill No. 1527 o ang Left-Behind Household of Migrant Workers Act ay nagpahayag na ang healthy development of the children ay apektado kapag iniwan ng kanilang ama o ina, or worse, both.
Ang mga anak ng migrant workers ay nakakaranas ng vast range of poor physical and mental health dahil sa paghihiwalay sa kanilang mga magulang, karamihan ay nagsisimula sa early childhood, na maaaring magresulta sa long-term physical, cognitive, and emotional outcomes, ayon sa mga pag-aaral.
“Although migrant workers fulfill the basic needs of the family especially food and financial security, the psychological needs of belongingness and intimacy were fully challenged because of physical separation” sabi ni Villar sa kanyang paliwanag na tala.
Ang panukalang batas ay naglalayong magtatag ng mga Migrant Workers Family Center sa buong bansa at magbigay ng welfare assistance at counselling services ng mga migrant worker; nagsisilbing coordinating office with non-government organizations at associations na tumutugon sa kalagayan ng mga migrant worker; at nagsisilbing link ng mga left-behind household sa iba’t ibang serbisyo at/o agencies ng gobyerno sa overseas employment.
Ang mga family center ay tutulong sa mga miyembro ng pamilya na mapanatili ang pagkakaisa sa kanilang mga relasyon at ihanda sila para sa future reintegration sa migrant worker.
Ang Department of Migrant Workers (DMW) ang mamumuno sa programa at magtatag ng mga family center na strategically matatagpuan sa bawat lungsod o munisipalidad kung saan may malaking populasyon ng mga pamilya na may mga kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ang panukala ay nag-uutos din sa DMW na iulat sa Kongreso ang bilang ng mga kaso na dinala sa iba’t ibang mga sentro at ang mga intervention na ibinigay.