PHILIPPINES: BBM-Sara Tandem, Patuloy pa rin na Nangunguna sa Boto Ngayong Halalan
Nangunguna pa rin ang magkatandem na sina presidential candidate Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa katatapos lamang na halalan.
Ito ay batay sa unang transmission ng partial at unofficial results mula sa Commission on Election (COMELEC) server.
As of 5:47 pm, May 10, nakakuha na si BBM ng higit 31 milyon na boto habang higit 14.7 milyon kay VP Robredo.
Umaabot naman sa mahigit 31.4 milyon ang nakuhang boto ni Mayor Sara habang nasa mahigit 9.2 milyon lamang si Sen. Pangilinan na pumapangalawa sa VP race.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Bongbong Marcos sa lahat ng sumusuporta sa kanila simula pa sa panahon ng kampanya.
Maging ang paniniwala ng mga ito sa kanilang ikinakampanya na kapayapaan.
Gayunpaman, binigyang diin din nito na patuloy na pagbabantay ng boto.
Samantala, nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Sara sa lahat ng bumoto sa kanya.
Ayon kay Mayor Christina Frasco, ang spokesperson ni Mayor Sara, ito ay tagumpay ng demokrasya sa bansa.
Mababatid din na ang magkatandem ay kapwang nangunguna sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.