Technology

PHILIPPINES: Digital Innovations, Makakatulong sa Pagpapalakas ng mga Aktibidad sa Ekonomiya Ayon kay PBBM

Makakatulong ang digital transformation initiatives na mapalakas ang mas maraming aktibidad sa ekonomiya sa bansa, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inilabas ni President Marcos ang pahayag habang pinangunahan niya ang digital ribbon-cutting ceremony para sa inagurasyon ng UnionBank Innovation Campus sa Lungsod ng San Pedro, Laguna.

“The initiatives that we have, such as (what) UnionBank is doing with this campus that we have just inaugurated today, that we have just opened today, are precisely the kind of innovations, the kind of forward-thinking operations and actions that we will need, not only in the private sector but also in the public sector,” aniya sa kanyang pangunahing talumpati.

Binigyang-diin ni President Marcos ang pangangailangang samantalahin ang mga digital innovation para maka-generate ng mas maraming trabaho at buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Ang gobyerno, bilang isang participant sa “new digital world”, ay humingi ng collaboration sa private sector upang gawing mas madali at mas maginhawa ang mga public transaction, aniya.

“To sustain growth and promote new advances in this sector, it is my hope that you will explore the limitless possibilities, and take advantage of the many bright ideas that our experts have so that we can generate more jobs and secure our nation’s economic revitalization,” sabi ng Presidente. “We would be bereft, we would be neglectful of our duties if we do not recognize the trend that is happening around the world.”

Sinabi ni Marcos na ang digital adoption ng gobyerno ay umaakma sa tatlong-taong Digital Payments Transformation Roadmap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagpo-promote ng mga cashless payment.

Ang roadmap ay may twin objectives ng pag-convert ng hindi bababa sa 50 percent ng kabuuang dami ng retail transaction sa digital form, at ang onboarding ng 70 percent ng adult Filipinos sa formal financial system sa 2023.

Sinabi ni Marcos na ang mga layunin ng BSP ay makakamit kung ang pamahalaan ay hasain ang mga kakayahan nito sa mga larangan tulad ng software development, data analytics, artificial intelligence, at blockchain technology.

“It is the only way that we will be doing business in the years to come and therefore, we cannot allow the Philippines to get left behind,” aniya.

Pinuri rin ni Marcos ang UnionBank sa pagbubukas ng UnionBank Innovation Campus, na aniya ay makatutulong sa pagpapasigla ng mga aktibidad sa ekonomiya sa bansa.

“The track record of UnionBank in creating opportunities through innovation and digital solutions in the banking sector is uncontested. The opening of the UnionBank Innovation Campus shall intensify our collective efforts to bring our banking and ICT (information and communications technology) industries into the future,” sinabi niya. “We apply that same intention to the public sector, in terms of government, in terms of digitalizing the government at the national level, at the local level.”

Ang UnionBank Innovation Campus ay inaasahang maging nangungunang research at technology hub sa bansa.

Ang campus ay primarily designed upang maging tahanan ng various centers of innovation, tulad ng UnionDigital, ang digital banking arm ng UnionBank, at ang kauna-unahang Asian Institute of Digital Transformation.

Sinuri din ni Marcos ang mga pasilidad ng campus at nagkaroon ng tour sa UnionBank Innovation Festival.

Ang festival ay nagpapakita ng numerous innovative digital solutions, applications, at latest trends sa FinTech, EduTech, Data Science at Artificial Intelligence, Open Finance, at Metaverse na binuo ng UnionBank, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner nito sa gobyerno at private sector.

Binigyang-diin ni Marcos, sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 25, ang kahalagahan ng digital transformation sa Pilipinas upang manatiling nakaayon sa mundo sa pagpasok nito sa “an age of exponential adoption of technology” at para makamit ng bansa ang tagumpay sa Fourth Industrial Revolution.

To Top