Philippines halts fresh ube exports
By
Posted on
Ipinagbawal ng Pilipinas nang walang takdang panahon ang pagluwas ng sariwang ube, na tinaguriang “bagong matcha” dahil sa mabilis na pagsikat nito sa buong mundo.
Layunin ng pamahalaan na mapanatili ang sapat na binhing ube para sa susunod na taniman at mapalawak muna ang lokal na produksyon. Naubos umano ng ilang magsasaka ang kanilang suplay upang matugunan ang tumataas na demand mula sa ibang bansa.
Maaaring magdulot ang hakbang ng kakulangan sa pandaigdigang merkado. Gayunman, hindi saklaw ng pagbabawal ang frozen at processed ube products.
SOURCE: COURRIER JAPON / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
