Philippines: IATF, Pinaikli ang Araw ng Quarantine Para sa mga Fully Vaccinated Overseas Filipino Workers (OFWs) , at Balikbayans Mula sa Yellow Countries
Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na paikliin ang hotel quarantine period para sa mga fully vaccinated returning overseas Filipinos, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at balikbayan mula sa mga Yellow Countries, mula limang araw hanggang tatlong araw na lamang ang quarantine simula Nobyembre 22.
Kinumpirma ni Puyat na ang mga fully vaccinated na balikbayan mula sa mga yellow countries na may pre-departure testing sa loob ng 72 oras, ay kinakailangang sumailalim sa three-day facility-based quarantine na may pagsusuri sa Ika-3 araw ngunit inutusang kumpletuhin ang self-monitoring hanggang sa ika-14 na araw mula sa pagdating.
Gayunpaman, ang mga walang pre-departure testing ay isasailalim sa facility-based quarantine hanggang sa ilabas ang resulta ng RT-PCR test na kinuha sa ika-5 araw with negative result, ang indibidwal ay ilalabas para sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw.
Ang mga Unvaccinated visitors ay sasailalim sa facility-based quarantine na may pagsusuri sa ikapitong araw, na susundan ng home quarantine hanggang ika-14 na araw sa paglabas ng negative test result.
“Ang pinakahuling pag-unlad na ito ay malaki ang maiaambag sa patuloy na pagbangon ng sektor ng turismo ngayong kapaskuhan habang nagbibigay din ng mas maraming oras sa mga gustong umuwi upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas,” dagdag ni Puyat.