Education

PHILIPPINES: Japan, Nagbigay ng P127M na Grants para sa mga Young Filipino Civil Servant

Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng PHP127 million na scholarship fund para sa mga kabataang Filipino civil servants na gustong magtapos ng pag-aaral sa Japan sa susunod na taon.

Noong Hunyo 23, pormal na nilagdaan ni Japan Ambassador Kazuhiko Koshikawa at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang Exchange of Notes para sa Project for Human Resource Development Scholarship ng Japanese Grant Aid (JDS).

“Glad to have signed with Japan the diplomatic notes for the Project for Human Resource Development Scholarship 2024-2025, worth PHP127.2 million. This initiative will empower young leaders from Philippine government agencies to pursue grad studies in Japan as JDS fellows,” sabi ni Manalo nang lumagda sa Department of Foreign Affairs.

Dalawampung kabataang Pilipinong empleyado ng gobyerno ang makikinabang sa grant na magbibigay-daan sa kanila na makakuha ng kanilang master’s degree sa mga nangungunang unibersidad sa Japan simula sa  academic year 2024-2025.

Ang programa ng JDS ay bahagi ng tulong ng Japan sa mga inisyatiba sa pagpapaunlad ng human resource ng mga bansang tatanggap nito at naglalayong pahusayin ang expertise ng mga kasama sa JDS sa kani-kanilang larangan, na nag-aambag sa development ng kanilang mga bansa.

Mula noong 2002, ang Japan ay sumuporta sa kabuuang 439 JDS fellows mula sa Pilipinas.

Sinabi ng Japanese Embassy sa Manila na ang application sa JDS Program ay magbubukas pa ngunit ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na bisitahin ang JDS Philippines webpage para sa mga susunod na anunsyo https://jds-scholarship.org/country/philippines/index.html

To Top