Tourism

PHILIPPINES: Japan Tourist Visa Application para sa mga Pilipino, Binuksan

Sinimulan na ng Japanese Embassy sa Maynila ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga indibidwal na turista na nagpaplanong bumisita sa Japan mula Oktubre 11 pataas.

Sinabi ng embahada na binuksan nito nitong Oktubre 4 ang mga aplikasyon para sa lahat ng uri ng visa, kabilang ang para sa individual travel, pagbisita sa mga kaibigan, at maramihang pagpasok.

Ang pagpaparehistro para sa Entrants, Returnee Follow-up System (ERFS), aniya, ay hindi na rin kailangan habang ang mga kinakailangan para sa pagbisita sa mga kaibigan ay maluwag na sa pagtanggal ng “written pledge” mula sa nag-imbita. Ang petsa ng pag-alis para sa mga visa na ito ay magsisimula sa Oktubre 11.

Ang multiple-entry visa at APEC Business Travel Card ay muling igagalang simula Oktubre 11 hangga’t ang petsa ng travel ay within the term of validity.

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng “blue” category ng Japan, ibig sabihin ay hindi na kailangan ang pre-departure Covid-19 test hangga’t may valid vaccination certificate ang pasahero na mayroon siyang tatlong dosis ng Japan-approved vaccine.

Ang mga bakunang inaprubahan sa Japan ay ang mga sumusunod:

– COMIRNATY / Pfizer
– Spikevax intramuscular Injection / Moderna
– Vaxzevria intramuscular Injection / AstraZeneca
– JCOVDEN intramuscular injection/Janssen (Sa kaso ng pangunahing serye, ang isang dosis ay itinuturing na katumbas ng dalawa)
– COVAXIN/Bharat Biotech –
Nuvaxovid intramuscular Injection / Novaxovid intramuscular Injection
Ang Covishield (ginawa ng Serum Institute of India) at COVOVAX ay itinuturing na kapareho ng Vaxzevria intramuscular injection/AstraZeneca at Nuvaxovid intramuscular injection/Novavax

“All entrants/returnees to Japan with a valid vaccination certificate which proves 3 doses of COVID-19 vaccine accredited by the Ministry of Health, Labour and Welfare are not required to obtain a negative certificate. Other entrants/returnees need to obtain a negative test result for COVID-19 conducted within 72 hours prior to departure,” sabi ng embahada.

To Top