PHILIPPINES: Japanese Woman na Wanted sa Financial Fraud sa Tokyo, Nahuli: BI
Inaresto kamakailan ng Immigration authorities ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa pagkakasangkot sa theft at financial fraud sa Pasay City.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang 26-anyos na si Risa Yamada, sa kahabaan ng Roxas Boulevard noong Enero 9.
Isang mission order ang inilabas ng BI chief para sa pag-aresto kay Yamada sa kahilingan ng mga awtoridad ng Japan sa Maynila na humingi sa kanya ng deportation upang siya ay makaharap sa paglilitis para sa kanyang mga umano’y krimen.
“Ipapadeport siya pagkatapos maglabas ng utos ang ating board of commissioners para sa kanyang summary deportation. Pagkatapos ay ide-deport siya at patuloy na pagbabawalan na pumasok muli sa bansa dahil sa pagiging undesirable alien,” aniya.
Sinabi ni BI-FSU chief Rendel Sy na si Yamada ay subject of an arrest warrant na inisyu ng Tokyo Summary Court noong Setyembre 15, 2022 kung saan siya ay kinasuhan ng pagnanakaw.
Nakasaad sa mga ulat na ang dayuhan ay nakipagsabwatan sa iba pang mga suspek sa pagnanakaw ng data mula sa mga ATM card ng kanilang mga biktima na nagawa nilang dayain sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga empleyado ng bangko at pulis.
Sinabi rin ng BI na si Yamada ay isa nang undocumented alien nang siya ay arestuhin dahil ang kanyang pasaporte ay kinansela na ng gobyerno ng Japan.
Ang dayuhan ay nasa BI warden facility ngayon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings.