PHILIPPINES: Muling Pinagtibay ng PH ang Pagsunod sa Patakaran ng One China Habang umibisita si Qin sa Maynila
Patuloy na susundin ng gobyerno ng Pilipinas ang One China Policy sa gitna ng pangamba ng Beijing na ang bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay gagamitin para panghimasukan ang tensyon sa Taiwan Strait.
Ang reiteration ay ginawa sa bilateral meeting sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ng kanyang Chinese counterpart, Foreign Minister Qin Gang, sa isang hotel sa Manila nitong Sabado.
“(Foreign Affairs Secretary Enrique) Manalo reaffirmed the Philippines’ addherence to the One China Policy, while at the same time expressing concern on the escalating tensions across the Taiwan Strait,” base sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) pagkatapos ng unang pagkikita ng dalawang opisyal.
Sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian noong nakaraang linggo na ang Estados Unidos ay nagnanais na samantalahin ang mga bagong EDCA sites “upang ihatid ang mga geopolitical na layunin nito, at isulong ang anti-China agenda nito sa expense of peace at development ng Pilipinas at ng rehiyon sa pangkalahatan. “
Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. naunang pinangalan ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan bilang karagdagang lokasyon ng EDCA.
Sa bilateral talks, binigyang-diin ni Manalo na ang Pilipinas ay nagtataguyod ng isang independent foreign policy, “na naglalayong tiyakin ang katatagan at kaunlaran sa rehiyon.”
BASAHIN: Walang intensyon ang PH na makialam sa isyu ng Taiwan – NSC exec
Samantala, sina Manalo at Qin ay sumang-ayon na palakihin ang pagtutulungan at itaas ang Philippine-China bilateral relations “sa mas mataas pa” sa ilalim ng administrasyong Marcos.
“The tripling of our total bilateral trade within the past decade is a positive development. The Philippines looks forward to the early realization of the USD22.8 billion business and investment pledges made during the state visit of President Marcos to Beijing,” sabi ni Manalo.
Binigyang-diin din ng mga opisyal ang infrastructure cooperation bilang isang pangunahing sektor para sa pakikipag-ugnayan sa ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas-China, lalo na sa programang “Build Better More” ng Pilipinas na kasabay ng Belt and Road Initiative ng China.
Parehong umaasa sa maagang pagkumpleto ng ongoing infrastructure cooperation projects.