disaster

PHILIPPINES: Namatay sa Bagyong ‘ODETTE’ sa Pilipinas, Umabot na sa Halos 100 ang Bilang

Sinabi ng gobernador ng island province sa central Philippines na hindi bababa sa 49 katao ang namatay sa pinsalang dulot ng Bagyong ‘Odette’ nasa kalahati lamang ng mga bayan ang nagawang makipag-ugnayan sa kanya, na nagdala ng bilang ng mga namatay sa pinakamalakas na bagyo na nanalasa sa bansa ngayong taon sa halos 100.

Sinabi ni Gov. Arthur Yap ng lalawigan ng Bohol na 10 iba pang mga tao ang nawawala at 13 ang nasugatan, at iminungkahi na ang bilang ng mga nasawi ay maaari pa ring tumaas nang malaki kung saan maraming mga alkalde ang hindi makaugnayan sa kanya dahil sa mga naputol na komunikasyon.

Sa isang pahayag na nai-post sa Facebook noong Linggo ng madaling araw, inutusan ni Yap ang mga alkalde ng probinsiya na gumastos ng pera upang mabilis na ma-secure ang mga food packs at inuming tubig, na isang urgent problem dahil ang mga istasyon ng tubig ay hindi maaaring mag operate sa panahon ng power outage.

Pagkatapos sumali sa isang military aerial survey ng mga bayan na sinalanta ng bagyo, sinabi ni Yap na “napakalinaw na ang pinsalang natamo ng Bohol ay malaki at sumasaklaw sa lahat.”

Aniya, hindi sakop ng inspeksyon ang apat na bayan, kung saan dumaan ang bagyo habang nanalasa ito noong Huwebes at Biyernes sa gitnang mga lalawigan ng isla. Sinabi ng gobyerno na humigit-kumulang 780,000 katao ang naapektuhan, kabilang ang higit sa 300,000 residente na kailangang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Hindi bababa sa 39 na iba pang pagkamatay ng bagyo ang iniulat ng disaster-response agency at ng national police. Ang mga opisyal sa Dinagat Islands, isa sa mga southeastern provinces na unang hinagupit ng bagyo, ay hiwalay na nag-ulat ng 10 pagkamatay mula lamang sa ilang mga bayan, kaya umabot na sa 98 ang kabuuang nasawi.

Lumipad si Pangulong Rodrigo Duterte sa rehiyon noong Sabado at nangako ng 2 bilyong piso ($40 milyon) na bagong tulong.

Sa pinakamalakas, ang bagyo ay may sustained winds of 195 kilometers (121 miles) per hour at pagbugsong aabot sa 270 kph (168 mph), isa sa pinakamalakas nitong mga nakaraang taon na tumama sa disaster-prone archipelago, na nasa pagitan ng Pacific Ocean at ng South China Sea.

Mabilis na tumaas ang tubig-baha sa Bohol’s riverside town of Loboc, kung saan ang mga residente ay na-trapped sa kanilang mga bubong at puno. Nailigtas sila ng coast guard kinabukasan. Sa Dinagat Islands, sinabi ng isang opisyal na ang mga bubong ng halos lahat ng mga bahay, kabilang ang mga emergency shelter, ay maaaring nasira o nalilipad.

Hindi bababa sa 227 lungsod at bayan ang nawalan ng kuryente, na mula noon ay naibalik sa 21 na lugar lamang, sinabi ng mga opisyal, at idinagdag ang tatlong regional airports ang nasira, kabilang ang dalawa na nananatiling sarado.

Ang mga pagkamatay at malawakang pinsalang iniwan ng bagyo bago ang Pasko sa karamihan ng Roman Catholic nation ay nagpabalik sa alaala ng sakuna na dulot ng isa pang bagyo, ang ‘Yolanda’, isa sa pinakamalakas na naitala. Tinamaan nito ang karamihan sa central provinces na nasalanta noong nakaraang linggo, na nag-iwan ng higit sa 6,300 katao ang namatay noong Nobyembre 2013.

Humigit-kumulang 20 storms at typhoons ang humahampas sa Pilipinas bawat taon. Ang archipelago ay matatagpuan sa seismically active Pacific “Ring of Fire” region, na ginagawa itong isa sa world’s most disaster-prone countries.

To Top