PHILIPPINES: Nikkeijins sa Pilipinas, Makakakuha na ng Japanese Language at Cultural Lessons
Ang Japan Foundation sa Maynila ay naglulunsad ng anim na buwang Nihongo language at cultural course para sa mga Nikkeijins o Japanese descendants sa Pilipinas.
Ilulunsad ng foundation ang proyekto kasama ang Philippine Nikkei Jin Kai Rengokai sa susunod na linggo.
Hindi bababa sa 21 Nikkeijins ang napili mula sa Davao, General Santos, Cotabato, Iloilo, Cebu, Bacolod, Palawan, at Metro Manila.
“With the aims of expanding employment opportunities in and outside the Philippines and strengthening the network of Nikkeijin communities across the country, the course will provide online Japanese language and cultural lessons for twice a week for a period of six months starting from September 2022 to March 2023,” sabi ng Japan Foundation noong Sabado.
Ang opening ceremony sa Setyembre 6 ay dadaluhan nina Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa at Philippine Nikkei Jin Kai Rengokai president Ines Yamanouchi Mallari.
Ang mga Nikkeijin ay mga descendant ng mga Japanese national na lumipat sa Pilipinas noong panahon ng pre-war para sa trabaho o negosyo at kalaunan ay nanirahan sa bansa.
Sa Davao, ang kasaysayan ng Nikkeijin ay nagsimula noong 1903 nang dinala ng Japanese na si Suda Ryosuke ang unang batch ng mga Japanese national upang makisali sa produksyon ng abaca sa lalawigan.