PHILIPPINES: Pangulong Marcos, Nais na Bumuo ng mas Malakas na Alyansa sa mas Maraming Bansa
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang bumuo ng mas matibay na alyansa at ipagpatuloy ang “developing cooperation” sa iba’t ibang bansa para maresolba ang tumitinding tensyon sa Taiwan.
Sa isang conference na pinamunuan ng Center for Strategic and International Studies sa Washington, DC, inilarawan ni Marcos ang sitwasyon sa isla bilang “bago,” na nangangailangan ng mga solusyon upang “also be new and that is why we are now formulating those partnerships between all the different countries.”
” Patuloy ang pagpapatibay natin ng ating pagsasama at pagpa-partner dito … iba’t ibang bansa na hindi alam ‘yung mga nakapaligid sa Pilipinas. Hindi alam ang ating karatig bansa kung hindi pati na ang mga bansa na dati ay hindi natin nakakausap. dahil walang pangangailangan na magkaroon tayo ng partnership,” sabi ni Marcos.
Dapat aniyang ayusin ang mga kaayusan at pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa upang umayon ito sa “needs of the day.”
“Not just Australia, not just the United States, also South Korea, also Japan, all of the ASEAN Member States and I think we can continue to… do that and I know that the countries… are already of the same mind,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Marcos na ang kanyang campaign message of unity ay nagsisimula nang lumaganap hindi lamang sa lokal na sitwasyon sa Pilipinas kundi maging sa pandaigdigang saklaw.
“Sila rin ay naghahanap na ng mga – magsasama upang harapin ang bagong mundo na sabay-sabay,” sabi niya.
Inulit din ng Pangulo ang patakarang panlabas ng kanyang administrasyon na “ang Pilipinas ay magpapatuloy na maging kaibigan ng lahat at walang kaaway.”