PHILIPPINES: PBBM, Nagpositibo sa Covid-19
Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ng Malacañang noong Biyernes.
Si Marcos, na ang resulta ng antigen test ay nagpakita na siya ay positibo sa Covid-19, ay may slight fever, sinabi ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa isang press briefing ng Palasyo.
“Nagpositibo ang Presidente sa antigen test para sa Covid-19. Medyo nilalagnat siya pero okay naman siya,” sabi niya.
Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, na na-expose sa kanyang ama, ay negatibo sa Covid-19, ani Cruz-Angeles.
Sinabi ni Cruz-Angeles na nasa labas ng bayan si First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang dalawa pang presidential son na sina William Vincent at Joseph Simon at hindi na-expose sa Pangulo.
Ipinaalam na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga malalapit na kontak ni Marcos at pinayuhan silang mag-self-monitor para sa mga sintomas ng Covid-19.
Sinabi ni Cruz-Angeles na siya, kasama si Executive Secretary Victor Rodriguez at iba pang mga tauhan ng PMS na itinuturing na malapit na kontak ay nag-negatibo din sa Covid-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na kasama ni Cruz-Angeles sa press briefing, na kailangang sumailalim sa isolation si Marcos sa loob ng pitong araw mula nang magpositibo siya sa Covid-19.
“After that, if his symptoms have resolved already, he may be able to go back to work and have his face-to-face activities,” sabi niya.
Dahil symptomatic si Marcos, ang resulta ng antigen test ay itinuturing na “accurate,” ani Vergeire.
Virtual attendance
Kasunod ng latest development, dumalo si Rodriguez sa briefing ng umaga tungkol sa “matters of security” on behalf of Marcos, ani Cruz-Angeles.
Sinabi ni Cruz-Angeles na hindi rin makakadalo si Marcos sa pagdiriwang ng ika-246 na anibersaryo ng Kalayaan ng Estados Unidos (US) sa US Embassy na nakatakda sa araw ng Biyernes.
Gayunpaman, magkakaroon ng virtual participation si Marcos sa pagpupulong ng Leagues of Governors at Mayors na tutugon sa patuloy na kampanya para sa COVID-19 vaccination drive ng gobyerno, ani Cruz-Angeles.
“This is part of the continuing campaign for a series of vaccinations and booster shots in preparation for the face-to-face opening of classes this school year,” aniya. “The President encourages the public to get their vaccine series and boosters” dagdag niya.