Travel

PHILIPPINES: PH Passport Ika-80 sa Most Powerful sa Mundo

Ang Philippine passport ay nasa rank ng ika-80 na most powerful sa buong mundo, batay sa listahang inilabas ng British consulting firm na Henley & Partners.

Ayon sa Henley Passport Index: Q3 2022 Global Ranking, umakyat ang bansa mula sa ika-82 na puwesto sa parehong panahon noong nakaraang taon, kung saan ang access nito sa 66 na destinasyon ay tumaas sa 67 ngayong quarter.

Magkapareho ng rank ang Pilipinas, Cape Verde Islands at Uganda.

Samantala, ang Japan ang may hawak ng most powerful passport na may visa-free access sa 193 destinasyon. Ang Singapore at South Korea, na may visa-exempt na status sa 192 na lugar, ay nasa likod bilang pangalawang most powerful passport sa mundo.

Ang Henley Passport Index ay nag-a-update ng listahan nito quarterly at niraranggo ang mga pasaporte ayon sa number of destinations na maa-access ng kanilang mga holder without a prior visa.

Ang index ay batay sa eksklusibong data mula sa International Air Transport Association.

To Top