International

PHILIPPINES: Philippine Space Agency, Kinumpirma ang mga Chinese Rocket Debris na Natagpuan sa WPS

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes ang pagkuha ng torn metal sheet mula sa West Philippine Sea, 100 milya sa baybayin ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang materyal, na natagpuan kanina ng mga mangingisda, ay may bahagi ng bandila ng China at isang bahagi ng pagmamarka ng Long March 5B (CZ-5B) rocket.

Sa visual verification, kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang mga debris ay bahagi ng CZ-5B.

Gayunpaman, ang nasabing mga debris ay hindi bahagi ng mga component na muling pumasok sa atmosphere noong Hulyo 31. Ang mga debris na nakuha ng PCG Mamburao ay natukoy na bahagi ng payload fairing ng CZ-5B, na humihiwalay mula sa rocket habang pumapasok ito sa outer space during launch.

Ang mga discarded rocket stages na ito ay karaniwang idinisenyo at pinlano na ibuhos sa mga specific drop zones — kadalasang bodies of water ang pinipili upang i-minimize ang hazards ng pagbagsak sa mga mataong lugar.

Bago ang paglulunsad ng rocket noong Hulyo 24, maagap na naglabas ng advisory ang PhilSA sa lahat ng relevant government agencies tungkol sa launch at ang estimated drop zone locations ng mga rocket debris.

Ang mga team ay pinakilos at inihanda upang ipatupad ang mga coordination protocol sa iba pang national government agencies para sa pagpapalabas ng impormasyong naaaksyunan kung kinakailangan, sa panahon ng muling pagpasok ng mga debris noong Hulyo 31.

Inulit ng PhilSA ang earlier advice nito sa publiko na agad na ipaalam sa mga lokal na awtoridad ang mga pinaghihinalaang debris na nakikita sa dagat o lupa.

Ang PhilSA ay nagbabala sa lahat laban sa pagkuha o paglapit sa mga materyales na ito, dahil ang mga nahulog na rocket debris ay maaaring naglalaman ng remnants ng toxic substances tulad ng rocket fuel.

Ang rocket, na inilunsad noong Hulyo 24, ay muling pumasok sa atmosphere sa ibabaw ng Indian Ocean sa 12:45 am Philippine Standard Time noong Hulyo 31.

Ang mga bahagi ng CZ-5B ay nakita rin sa airspace ng Malaysia, ilang sandali bago natapos ang landing trajectory sa Sulu Sea malapit sa Palawan.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang PhilSA sa mga kinauukulang ahensya at katuwang ng gobyerno gaya ng Philippine Coast Guard at National Coast Watch Center para matiyak ang tamang paghawak sa mga debris.

To Top