PHILIPPINES: Pilipinas, Bumalik sa low risk ng Covid-19; Handang Lumipat sa ‘New Normal’
Naghahanda na ang gobyerno ng pilipinas para sa paglipat sa “new normal” dahil ang bansa ay bumalik na sa low-risk classification para sa Covid-19, ani acting Presidential spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, nitong Martes.
“Nasa low-risk classification na po ang National Capital Region at ang buong Pilipinas. Base ito sa tatlong metrics na ginamit (The National Capital Region and the whole Philippines are now in low-risk classification. This is based on the three metrics used) growth in cases, average daily attack rate per 100,000 population and health system’s capacity,” Sinabi ni Nograles sa briefing ng Palasyo.
Sa parehong briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang average daily cases per day mula Pebrero 8 hanggang 14 ay 56 porsiyentong mas mababa kaysa sa mga naitala na impeksyon mula Pebrero 1 hanggang 7.
Sinabi ni Vergeire na ang patuloy na pagbaba ng bansa sa mga bagong kaso ng Covid-19 ay nakatulong sa pamamahala sa national health system capacity.
Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People noong Lunes ng gabi, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na umabot ang Pilipinas sa low-risk case classification na may negative two-week growth rate na -74 percent at low-risk average daily attack rate na 5.26 bawat 100,000 na indibidwal.
Aniya, lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa low risk maliban sa Region 11 (Davao), Cordillera Administrative Region, Region 6 (Western Visayas), at Region 12 (Soccsksargen), na pawang nasa ilalim ng moderate risk classification.
Sinabi ni Duque na ang intensive care unit utilization rate sa buong bansa ay nasa low risk na 34.12 porsyento.
Samantala, sinabi niya na ang kabuuang paggamit ng COVID-19 bed at mechanical ventilator sa bansa ay nasa less than 50-percent usage.
Iniugnay ni Nograles ang pinakabagong sitwasyon ng Covid-19 sa kooperasyon ng publiko, sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards at pag-avail ng mga bakuna laban sa Covid-19.
“All of the progress we have made to bring down the number of cases is a product of our collective efforts, and we thank our kababayans (countrymen) for their cooperation. We urge everyone to remain conscious of our health protocols as we work to build on the progress we continue to make,” sabi ni Nograles.
Sa kanyang ulat kay Duterte, sinabi rin ni Presidential Adviser on Covid-19 Response, Secretary Vince Dizon, na ginagawa na ang “new normal” roadmap ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 at ng DOH.
Sinabi ni Dizon na ang new normal roadmap ay magiging available sa unang linggo ng Marso at ihaharap kay Duterte.
“This will really signal our move towards some semblance of normalcy after this very difficult two-year where we have dealt with the pandemic,” sabi ni Dizon.
Sa ilalim ng roadmap, inaasahan ng gobyerno na babalik ang ekonomiya ng Pilipinas habang pinapalaki ang saklaw ng pagbabakuna sa Covid-19 sa mas maraming Pilipino.
Ang Pilipinas ay nagbigay ng 132,031,140 doses ng Covid-19 vaccine, kung saan 61,225,811 Filipino ang ganap na ngayong nabakunahan, kabilang ang mga nakatanggap ng single-dose ng Janssen at Sputnik Light jabs.
May 9,161,128 ganap na protektadong Pilipino ang nakatanggap ng karagdagang dosis o booster shot.