International

PHILIPPINES: Pilipinas, Bumili ng mga Military Helicopter mula sa US sa Halip na sa Russia

Sinabi ng Philippine President Ferdinand Marcos Jr. na pinaninindigan niya ang desisyon ng kanyang hinalinhan na ibasura ang kasunduan sa Russia para bumili ng mga military helicopter. Sinabi niya sa Huwebes ang gobyerno ay kukuha ng aircraft mula sa United States, sa halip.

Sinabi ni Pangulong Marcos, “The deal with Russia was for some heavy-lift helicopters and now we have secured an alternative supply from the United States through the manufacturer in Poland.”

Ang gobyerno ng Pilipinas ay sumang-ayon noong nakaraang taon na bumili ng 16 Russian-made Mi-17 helicopter sa halagang higit sa 200 milyong dolyar. Ngunit ang pangulo noong panahong iyon, si Rodrigo Duterte, ay nagpasya na kanselahin ang kontrata pagkatapos na salakayin ng Russia ang Ukraine dahil sa pag-aalala sa posibleng Western sanctions.
Ito ang unang pagkakataon na si Pangulong Marcos ay nagkomento sa publiko tungkol sa isyu mula nang maupo noong Hunyo. Aniya, makikipag-usap ang gobyerno para sa pagbabalik ng paunang bayad sa tagagawa ng sasakyang panghimpapawid ng Russia.

Sinabi ng ambassador ng Russia sa Manila na si Marat Pavlov na hindi pa naabisuhan ang Moscow tungkol sa pagwawakas ng deal.

Noong Marso, sinuportahan ng Pilipinas ang isang resolusyon ng UN General Assembly na humihiling na itigil ng Russia ang pag-atake nito sa Ukraine at bawiin ang mga troop nito.

To Top